Pulong nina Trump at Kim maaring masundan pa
Posibleng may kasunod pa ang makasaysayang summit sa pagitan nina US President Donald Trump at North Korean leader Kim Jong Un.
Sa isang tweet, nagpasalamat si Trump kay Kim sa pagtupad nito sa pangako na maiuuwi sa amerika ang mga labi ng mga sundalo ng us na nasawi noong Korean war.
Ayon kay Trump, naging totoo si Kim sa kaniyang mga binitiwang salita at umaasa siya sa muli nilang pagkikita.
Magugunitang naibalik na sa US ang mga labi ng mga sundalong nasawi noon sa Korean war.
Sakay ng C-17 aircraft ang 55 kahon na mayroong American flags sa ibabaw ang dumating sa Joint Base Pearl Harbor-Hickam.
Isasailalim sa laboratory examination ang mga labi para makilala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.