8-hour system maintenance ipatutupad ng BDO sa Lunes
Nag-abiso ang BDO sa mga kliyente nito at sa publiko na magsasagawa sila ng regular system maintenance sa Lunes, August 6.
Tatagal ang maintenance activity ng walong oras at magsisimula alas-12 ng hating-gabi at magtatapos alas-8 ng umaga.
Ayon sa bangko, apektado ng aktibidad ang kanilang Personal Online Banking, Mobile and Phone Banking, BDO ATMs, Debit at Cash Cards.
Dahil dito hinihikayat ng BDO ang kanilang mga kliyente na isagawa ang kanilang mga banking transactions bago ang nakatakdang maintenance activity para makaiwas sa abala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.