Singapore, nananawagan sa ASEAN na aksyunan ang haze sa rehiyon
Humihiling ng konkretong aksyon ang bansang Singapore sa kanilang mga kapitbahay na bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN upang mapigilan ang matinding haze na bumabalot ngayon sa maraming lugar sa rehiyon.
Ang Singapore ang isa sa malimit na naapektuhan ng smog at haze sa oras na sumiklab ito sa ibang bansa tulad ng Indonesia.
Ayon sa pahayag ng Singapore Ministry of Foreign Affairs, kinakailangan ng ng mas pinalakas na regional cooperation sa pagitan ng mga bansang kasapi ng ASEAN upang masawata na ang tinagurian nilang ‘transboundary problem’.
Bilang pauna, nangako ang Singapore na makikipagtulungan sa mga iba pang mga bansa sa ASEAN upang mabuo ang ASEAN Haze Monitoring System.
Bukod sa Singapore, umabot na rin ang haze sa Malaysia, Thailand at Pilipinas.
Sa tala ng Indonesian authorities, nasa sampu na ang namamatay sa Indonesia kung saan nagmumula ang haze dahil sa mga komplikasyon sa paglanghap nito.
Aabot naman sa kalahating milyong residente ng Indonesia ang apektado nakakaranas ng iba’t ibang respiratory illness dahil sa haze.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.