Dalawa arestado dahil sa pagtutulak ng marijuana sa Quezon City
Arestado ang dalawang lalaki sa ikinasang drug buy bust operation ng pulisya sa tapat ng isang fastfood restaurant sa Barangay Sta. Teresita, Quezon City.
Nakilala ang mga suspek na sina Alden Regancia alyas Jorge, 22 taong gulang, at si Francis Louie Miguel, 21 taong gulang na kapwa mga estudyante.
Ayon sa mga otoridad, nakumpiska mula sa dalawa ang walong ziplock na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana, isang digital weighing scale, at mga drug paraphernalia.
Tinatayang nagkakahalaga ng P13,600 ang narekober na ipinagbabawal na gamot mula sa mga ito.
Napag-alamang kabilang ang mga suspek sa isang social media group kung saan nagaganap ang mga transaksyon. Kadalasan ay mga mag-aaral din ang kanilang parokyano.
Depensa ng mga suspek, ginagamit nila ang marijuana bilang gamot sa kanilang sakit.
Mahaharap sina Regancia at Miguel sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.