DOJ: Napoles pwedeng pansamantalang isuko sa U.S authorities
Nagpahayag ng kahandaan si Justice Sec. Menardo Guevarra sa posibleng extradition sa U.S ng tinaguriang pork barrel queen na si Janet Lim Napoles.
Gayunman, hindi pa nila napagdedesisyunan kung alin sa dalawang posibleng opsyon sa extradition ang kanilang pipiliin.
Kabilang sa opsyon na ito ay ang pagpapaliban sa extradition at pagkatapos muna sa paglilitis ng kaso nito sa Sandiganbayan at pagsisilbi sa magiging sintensya nito.
Maaari din aniyang pansamantalang isuko ng Pilipinas si Napoles sa US para malitis sa mga kinakaharap nitong kaso doon kabilang ang money laundering.
Gayunman, dedepende aniya ang opsyon na ito sa kundisyon na mapagkakansuduan sa US Department of Justice.
Handa naman ang DOJ na isailalim agad sa extradition procedure ang mga kamag-anak ni Napoles sa Pilipinas na kabilang sa respondent sa US pero walang kinakaharap na kaso dito.
Ipapaubaya naman ni Gueverra sa mga otoridad sa US ang pag aresto sa mga kamag anak ni Napoles na nananatili sa Amerika.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.