Sec. Piñol ginisa sa Kamara dahil sa mataas na presyo ng bigas
Pinagpaliwag ng mga kongresista sa pagdinig ng House Appropriations Committee si Agriculture Secretary Manny Piñol kaugnay sa mataas na presyo ng bigas.
Sa pagdinig sa panukalang P49.8 Billion na budget ng D.A, inatasan ng mga mambabatas si Piñol na pababain ang presyo ng bigas at iba pang mga pangunahing bilihin.
Ayon sa kalihim, kapag naipasa na ang Tarrification Bill na mag-aalis sa quota sa pag-import ng bigas.
Sa pamamagitan anya nito ay dadami ang supply ng bigas na magpapababa ng presyo nito sa merkado.
Sinabi ni Piñol na magbibigay din ang nasabing panukalang batas ng P20 Billion na kita sa gobyerno.
Gayunman, dapat ding masiguro na mapupunta ito sa mga magsasaka para makabibili ng magandang binhi ang mga ito at madoble ang kanilang ani.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.