IED sumabog sa pier sa Masbate

By Donabelle Dominguez-Cargullo August 02, 2018 - 09:54 AM

Isang improvised explosive device (IED) ang pinasabog sa pier ng Masbate alas-11:00 ng gabi ng Miyerkules.

Ayon kay Police Regional Office 5 Regional Director Chief Supt. Arnel Escobal, walang casualties na naitala sa naturang pagsabog.

Isang bangka bangka naman aniya ang nasira na pagmamay-ari ng isang Choy Tuazon.

Ayon naman kay Masbate-PNP Provincial Director Senior Supt. Froilan Navarozza, sakay ng bangka ang dalawang suspek na namataan ng port security at sila ang nag-iwan ng isang kahon sa hagdan ng pier bago naganap ang pagsabog.

Narekober naman mula sa lugar ang nagkalat na PVC pipes, paper box at isang sim card.

Agad nagsagawa ng post blast investigation para sa agarang pag-aresto sa suspek.

TAGS: IED, Masbate, Radyo Inquirer, IED, Masbate, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.