DOLE sinisi ang Kadamay sa gulo sa rally sa NutriAsia

By Chona Yu August 01, 2018 - 07:05 PM

Anakbayan photo

Isinisisi ng Department of Labor sa militanteng grupong Kadamay ang naganap na kaguluhan sa pagitan ng mga manggagawa at pamunuan ng NutriAsia sa Marilao, Bulacan.

Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III kaya nagkagulo sa rally sa NutriAsia ay dahil sa pagpasok ng Kadamay sa grupo ng mga nagra-rally.

Ilang rallyista ang nasugatan nang mauwi sa karahasan ang pag-disperse ng mga pulis.

Sa ngayon, sinabi ni Bello na mayroon nang pag-uusap ang pamunuan ng NutriAsia at ang mga manggawa para ayusin ang naturang gusot.

“Meron nang ongoing conciliation. Nagkagulo dahil pumasok yung Kadamay. Hindi naman workers yun. Hindi Nutriasia yun. Kadamay ang pumasok dyan,” paliwanag ng opisyal.

Matatandaang ilang araw nang nagsasagawa ng strike ang mga manggawa ng NutriAsia dahil sa maliit na sweldo at hindi maayos na pagtrato sa kanilang hanay.

Isa sa mga nasugatan sa gulo ay isang lola na sinasabing kasapi sa Kadamay.

TAGS: Bello, DOLE, Kadamay, marilao, nutriasia, PNP, Bello, DOLE, Kadamay, marilao, nutriasia, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.