DENR: Sindikato nasa likod ng poaching activities sa Palawan

By Isa Avedaño-Umali August 01, 2018 - 03:33 PM

Inquirer photo

Humihingi na ng tulong ang Department of Environment and Natural Resources o DENR sa Philippine National Police o PNP para maimbestigahan ang tangkang pagpuslit sa 21 pangolin at 16 na marine turtles noong Sabado sa Puerto Princesa City, Palawan.

Naniniwala si Environment Secretary Roy Cimatu na malaking grupo ang posibleng nag-ooperate sa smuggling activities sa Palawan na hindi nagpapatinag sa kasagsagan ng paghihigpit ng DENR para protektahan ang wildlife ng bansa.

Umaasa ang kalihim na sa tulong ng PNP ay mabibisto na ang mga personalidad na maaaring nasa likod ng smuggling ng mga hayop, lalo na ang mga endangered na.

Kaugnay nito, ikinalugod ni Cimatu ang mabilis na pagsasampa ng kaso laban sa drayber ng trak na nagtangkang ipuslit ang mga pangolin at marine turtles.

Ang suspek na nakilalang si Joshue Arellano ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9147 o ang Philippine Wildlife Resources Conservation and Protection Act na isinampa ng Palawan Council for Sustainable Development na isang attached agency ng DENR.

Ang mga patay na pangolin, green at hawksbill sea turtles na nabawi mula kay Arellano ay klasipikadong endangered species o malapit nang maubos ayon sa organisasyon na International Union for Conservation of Nature.

TAGS: cimatu, leatherback sea turtle, Palawan, pangolin, cimatu, leatherback sea turtle, Palawan, pangolin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.