Hindi pupunta si Pangulong Rodrigo Duterte sa US.
Sa talumpati kagabi ng pangulo sa anibersaryo ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) sa PICC sa Pasay City ay kanyang sinabi na hindi siya sigurado kung handa na ang America para sa kanyang pagbisita.
Pinaghuhugutan pa rin ng galit ng pangulo ang pagharang ni US Senator Ben Cardin, chairman ng U.S. Senate Foreign Relations Committee sa planong pagbebenta ng US government ng 26,000 na assault rifle sa pilipinas.
Nababahala kasi si Cardin sa nagaganap na paglabag sa karapatang pantao sa bansa dahil sa pinaigting na kampanya ni Pangulong Duterte kontra sa ilegal na droga.
Ayon sa pangulo, hindi niya nagustuhan ang pahayag ng senador na gagamitin ang mga baril sa extra judicial killings.
Bukod dito, nadismaya rin ang pangulo sa pagtanggi ng Canada na magbenta ng labing anim na Bell helicopter sa Pilipinas sa dahil sa konidsyon na hindi maaring gamitin ang naturang sasakyang panghimpapawid sa combat oeprations.
Sahil sa pagtanggi ng America na magbenta ng baril sa Pilipinas ay pinag aaralan na lamang ng paggulo na bumili sa China o Russia habang sa South Korea naman niya balak bumili ng mga helicopter.
Una rito, sinabi ng pangulo na mayroong imbitasyon sa kanya si US President Donald Trump na bumisita sa kanilang bansa subalit hindi pa niya mapaunlakan dahil sa busy schedule.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.