Barko nasunog sa Zamboanga City

By Erwin Aguilon, Justinne Punsalang August 01, 2018 - 04:05 AM

Nasunog ang isang cargo vessel habang naka-angkla sa katubigan ng Baliwasan Seaside sa Zamboanga City.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) LCDR Ramos, agad silang nag-deploy ng tao para apulahin ang sunog sa MV Buansa 2.

Agad namang na-rescue ang 13 indibidwal, kabilang an 7 crew, na sakay ng nasabing barko.

Maswerteng walang nasugatan dahil sa insidente.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, sumiklab ang apoy sa bow ng barko, kung saan nagsasagawa ng welding repair ang mga crew.

Bandang alas-5 ng hapon ng Martes nang magsimula ang sunog.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.