Kita ng Pilipinas sa 1st quarter ng 2018, umakyat sa 13.6%

By Erwin Aguilon July 31, 2018 - 05:41 PM

INQUIRER FILE

Umakyat sa 13.6% ang pagtaas ng kita ng Pilipinas sa unang bahagi ng taong 2018.

Ito ang pagmamalaki ni Finance Secretary Carlos Dominguez sa kanyang pagharap sa pagdinig ng Kamara sa panukalang P3.757 trilyon na pondo sa susunod na taon.

Sinabi ni Dominguez na ang pagtaas ng revenue ng bansa ay bunsod ng pagtaas ng nakokolektang buwis dahil na rin sa mga repormang ipinapatupad ng Duterte administration.

Malaki aniya ang naitulong ng TRAIN Law para sa patuloy na improvement ng tax collection sa bansa na umabot sa P33.7 bilyon.

Tumaas din sa 20% ang sin tax collection sa P1.1 trilyon na mas mataas kumpara sa P193 bilyon noong 2016.

Ang kita aniya ng Bureau of Customs (BOC) na umabot sa 33% habang ang ibang non-tax revenues ay tumaas sa 45% sa unang kalahating taon ng 2018.

TAGS: BUsiness, Finance Secretary Carlos Dominguez, BUsiness, Finance Secretary Carlos Dominguez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.