Car bomb Basilan, tinawag na terrorist attack ng Malakanyang; mga suspek pananagutin sa batas

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 31, 2018 - 11:28 AM

CREDIT: Basilan LGU

Itinuturing na terrorist attack ng Malakanyang ang pagsabog ng isang sasakykan sa Lamitan City sa Basilan na ikinsawi ng labingisang katao.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mariing kinokondena ng pamahalaan ang insidente.

Ani Roque, mayroong nang ginagawang imbestigasyon ang mga otoridad sa naganap na pagsabog.

Tiniyak din ni Roque na mananagot sa batas ang mga taong nasa likod ng pag-atake.

Una rito, sinabi ni Lamitan City Vice Mayor Roderick Furigay sa Inquirer na kabilang sa mga nasawi ang tatlong babaem 5 CAFGU, 1 bata, 1 sundalo at ang hinihinalang bomber.

TAGS: Basilan, car bomb, Lamitan City, Basilan, car bomb, Lamitan City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.