P60M paid ad ng DOT sa PTV-4 iimbestigahan ng senate blue ribbon committee
Magsasagawa ng imbestigasyon ang senate blue ribbon committee sa pamumuno ni Senator Richard Gordon hinggil sa P60-million advertisement deal sa pagitan ng Department of Tourism (DOT) at PTV-4.
Ayon kay Sen. Gordon, malinaw namang mayroong conflict of interest sa kasunduan na pinasok ng DOT habang si Sec. Wanda Teo pa ang kalihim nito sa Bitag Media Unlimited Inc. nap ag-aari ng kapatid niyang si Ben Tulfo.
Malinaw ayon kay Gordon na mayroong paglabag at may maaring makasuhan.
Idadamay na rin ng komite ni Gordon sa gagawing imbestigasyon ang mga kwestyunableng transaksyon umano na naganap sa DOT sa ilalim ng pamumuno ni Teo at maging ang mga kinasangkutan ni Tourism Promotions Board (TPB) Chief Operating Officer (COO) Cesar Montano.
Hindi pa naman binanggit ni Gordon kung kailan uumpisahan ang imbestigasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.