39 na pulis-Taguig sibak matapos ang pagkakasangkot sa KFR Group ng kanilang mga kasamahan

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 31, 2018 - 09:57 AM

NCRPO Photo

Matapos mapatay ang isang pulis at maaresto ang tatlong iba pa sa entrapment operation sa Western Bicutan sa Taguig City agad isinibak sa serbisyo ang 39 na mga pulis na nakadestino sa nasabig lugar.

Ipinag-utos ni National Capital Region Police Office Director Chief Supt. Guillermo Eleazar ang pagsibak sa lahat ng 39 na pulis na nakatalaga sa Western Bicutan Police Community Precinct kabilang na ang PCP commander na si Sr. Insp. Joel Villafania.

Sa inisyal na imbestigasyon ang napatay na pulis ay kinilalang si PO1 Heraldo Ancheta. Habang arestado naman ang tatlo niyang kasama na sina PO1 Bryan Amir Papa Bayo, PO2 Joey Ermino Mano at PO1 Paulo Ocampo,

Sangkot umano sa insidente ng kidnap for ransom ang apat.

Lunes ng gabi nang sinalakay ng apat ang bahay ng isang babae at kinuha ang P50,000 nito.

Ilang oras ang nakalipas, dinukot naman ng apat na pulis ang mag-asawa, kalaunan ay pinalaya ang babae at hiningan ito ng P200,000 kapalit ng pagpapalaya sa kaniyang mister.

Doon na ikinasa ang entrapment operation ng mga tuahan ng Taguig police at Special Weapons and Tactics (SWAT) para sa ikadarakip ng mga suspek na pulis.

TAGS: NCRPO, Radyo Inquirer, Taguig City Police, NCRPO, Radyo Inquirer, Taguig City Police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.