Payo ni Pang. Duterte sa mga opisyal ng gobyerno na mahilig magbiyahe, magtayo na lang ng travel agency

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 31, 2018 - 09:46 AM

Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng gobyerno na mahilig magbiyahe sa abroad na mag-resign na lamang at magtayo na lamang ng travel agency.

Ayon sa pangulo, hindi kasi makatwiran na gamitin ang pondo ng gobyerno para dumalo sa mga komperensya sa labas ng bansa na wala namang kabuluhan.

Sinabi pa ng pangulo na kung gustong maging turista ng mga opisyal ng gobyerno ang pagtatayo ng travel agency ang pinakamainam na pamamamaraan para makabiyahe sila sa labas ng bansa

Dismayado ang pangulo dahil ilang matalik na kaibigan na na kanyang naitalaga sa pwuesto ang nasibak na sa serbisyo dahil sa madalas na pagbiyahe sa abroad

Aminado rin ang pangulo na hanggang ngayon hindi pa niya nasusugpo ang korapsyon sa pamahalaan dahil kaliwa’t kanan pa ang pagnanakaw ng mga tiwaling opisyal sa pondo ng bayan.

TAGS: government officials, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, government officials, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.