‘Hindi relihiyon o ang INC ang kalaban ni Menorca’-Atty. Trixie Angeles
Nilinaw ng abogado ng isa sa mga itiniwalag na ministro ng Iglesia ni Cristo na hindi ang relihiyon ang kinakalaban ng kampo ni ex-minister Lowell Minorca kundi ang mga lider ng simbahan na sangkot sa maling pagpapalakad ng INC.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Atty. Trixie Angeles na mali ang paniniwala ng iba na nawalan ng pananalig sa Iglesia ang kanyang kliyente kung kaya’t kinakalaban na ng mga ito ang Pamunuan at mga miyembro ng Sanggunian ng Simbahan.
Paliwanag ni Angeles, mas nakakahiya kung pababayaan ni Menorca at ng kanyang pamilya ang mga maling gawi sa Iglesia lalot pat siya ay nagsilbi bilang ministro ng simbahan.
Kinumpirma rin ng abugado ang plano nilang pagsasampa ng mga kasong criminal katulad ng serious illegal detention at grave coercion laban sa mga pamunuan ng INC.
Sa ngayon ay tututukan din umano nila ang pagdinig ng Court of Appeals sa Petitions for Writ of Amparo at Habeas corpuslaban kay INC Executive Minister Eduardo Manalo at mga miyembro ng Sanggunian ng INC.
Hindi narin aniya kailangan ang corroborating witness o testigo na magpapatunay sa pag-detine kay Minorca dahil siya mismo ay maaring makapagpatunay sa dinanas niya laban sa mga umanoy dumukot sa kanya at kanyang pamilya.
Nilinaw din ni Angeles na kaya pinasinungalingan noon ni Menorca na siya ay dinukot dahil hawak pa ito noon ng mga ang sinasabing abductors niya dala na rin sa takot para sa kanyang sarili at ng kanyang pamilya./Ricky Brosas
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.