SP Tito Sotto nag-anunsyo ng sorpresang drug test sa mga empleyado ng senado ngayong araw
Isinailalim sa random drug test ang mga empleyado ng senado ngayong araw.
Inanunsyo ni Senate President Tito Sotto III ang drug test sa isinagawang flag-raising ceremony ngayong Lunes (July 30) ng umaga.
Bilang pagpapakita ng suporta sa programa, si Sotto ang unang pipila para sa drug test.
Habang ang kaniyang kaibigan na si Senator Gringo Honasan naman ang pumangalawa sa pila.
Umabot sa 400 empleyado ng senado ang sumalang sa drug test.
Guamit ang senado ng five-panel drug test para sa gagawing pagsusuri sa mga empleyado ng mataas na kapulungan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.