Isa ang patay habang dalawa ang sugatan sa shooting incident sa Navotas City, kaninang madaling araw.
Kinilala ang nasawi na si Junie Batuhan.
Naganap ang krimen pasado ala-una ng madaling araw, sa Road 10, Barangay North Boulevard South.
Batay sa mga otoridad, si Batuhan ay naglalakad para puntahan ang kanyang motorsiklo nang paputukan siya ng dalawang lalaki na nakasuot ng itim na damit.
Nadamay sa pamamaril ang dalawang bystanders, isang babae at isang lalaki, na kapwa tinamaan ng stray bullets.
Hindi pa matukoy ng mga pulis ang mga suspek, at kung ano ang motibo sa pamamaril./Isa Umali
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.