Patay sa wildfire sa Greece umakyat na sa 91

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 30, 2018 - 09:04 AM

AP Photo

Umabot na sa 91 ang nasawi sa wildfire na nagaganap sa Greece.

Ayon sa tagapagsalita ng civil protection sa lugar, maliban sa 91 na nasawi, mayroon pang 25 na nawawala.

Sa mga nasawi, 28 ang hindi pa nakikilala at patuloy na isinasailalim sa pagsusuri ng forensic pathologists.

May mga batang kasama sa nasawi sa wildfire kabilang ang 9 na taong gulang na babaeng kambal, 6 na buwang sanggol, magkapatid na 11 at 13 anyos at isa pang 13 anyos.

Apat din sa mga biktima ay kumpirmadong dayuhan na kinabibilangan ng isang Irishman, Polish na babae at kaniyang anak na lalaki at isang Belgian.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa kung ano ang pinagmulan ng wildfire.

Pero una nang napaulat na isang residente ang gumawa ng bonfire gamit ang mga tuyong dahon at mga sanga at saka ito iniwan.

TAGS: Greece, mati, Radyo Inquirer, wildfire, Greece, mati, Radyo Inquirer, wildfire

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.