Patay sa lindol sa Indonesia umakyat na sa 14
Umabot na sa labingapat ang bilang ng mga nasawi sa magnitude 6.4 na lindol na tumama sa Lomok Indonesia noong Linggo.
Maliban sa 14 na nasawi, 162 pa ang naitalang sugatan sa lindol na naganap Linggo ng madaling araw kung saan karamihan ay tulog pa.
Libu-libong mga bahay din ang nasira at nawalan ng kuryente sa Sembulan na pinaka-naapektuhan ng pagyanig.
Pansamantala namang isinara sa mga mountain climber ang Mount Rinjani na popular trekking destination sa lugar.
Ayon sa disaster mitigation agency ng bansa,nakapagtala sila ng landslides sa bundok. At maliban sa isang climber na nasawi, nagawa namang mailikas ang daan-daang iba pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.