Magkahiwalay na pagyanig naitala sa Davao Occidental at Cagayan

By Rhommel Balasbas July 30, 2018 - 06:31 AM

Naitala ng Phivolcs ang magkahiwalay na lindol sa mga lalawigan ng Davao Occidental at Cagayan kaninang madaling araw.

Eksakto alas-4:00 ng yanigin ng magnitude 3.2 na lindol ang Davao Occidental.

Naitala ang episentro nito sa layomg 66 kilometro Silangan ng Jose Abad Santos.

May lalim ang pagyanig na 120 kilometro.

Samantala, magnitude 3.0 naman ang naitala sa Cagayan alas-4:36 kanina.

Ang episentro ng lindol ay namataan sa layong 31 kilometro Kanluran ng Calayan.

May lalim naman itong 10 kilometro.

Pawang tectonic ang dahilan ng mga pagyanig at hindi naman inaasahan ang aftershocks at pinsala sa mga ari-arian.

TAGS: Calayan Cagayan, Davao Occidental, earthquake, Calayan Cagayan, Davao Occidental, earthquake

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.