Tulong ng OFW, hiniling para sa mga biktima ng bagyong Lando.

October 25, 2015 - 09:26 AM

nueva_vizcaya_prov_seal 1Umapela ang lokal na pamahalaan ng lalawigan ng Nueva Vizcaya sa mga Overseas Filipino Workers o OFWs na tulungan ang mga biktima ng bagyong Lando.

Nakatakdang magbukas ang Nueva Vizcaya provincial government ng bank account kung saan maaaring ideposito ang tulong pinansyal para sa mga nasalanta.

Bukod dito, bubuo na rin sila ng Facebook account para magamit sa komunikasyon sa mga OFWs na donors, partikular ang mga Novo Vizcayano workers overseas.

Batay sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Council o PDRRMC, aabot sa 4,503 na pamilya o 20,221 na katao mula sa siyamnapu’t pitong barangays sa Nueva Vizacaya ang naapektuhan ng flashfloods at malakas na ulan at hangin, dulot ng Bagyong Lando.

Tinatayang nasa kalahating bilyong piso naman ang nasira sa sektor ng agrikultura at imprastraktura sa probinsya, kaya naideklara ang ‘state of calamity’ doon./Isa Umali

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.