Kris Aquino ipinasilip ang kanyang pagganap sa ‘Crazy Rich Asians’

By Justinne Punsalang July 30, 2018 - 12:45 AM

Kris Aquino

Ibinahagi ni Kris Aquino ang ilang sneak peak at exclusive first-look sa kanyang partisipasyon sa pelikulang ‘Crazy Rich Asians.’

Sa kanyang recent Instagram posts ay ipinagmalaki ng Queen of All Media na ang Pinoy fashion designer na si Michael Cinco ang gumawa sa gown na kanyang suot sa pelikula.

Hindi pa inilalahad ni Kris ang kanyang karakter, ngunit aniya, kabilang siya sa pivotal scene ng pelikula.

Sa isa pang post ni Kris ay sinabi nito na gaganapan niya ang karakter ng isang ‘Asian princess.’

Dagdag pa ng aktres, tiyak na magiging proud ang kanyang inang si dating Pangulong Cory Aquino dahil ang ilang linyang kanyang binitawan sa pelikula ay isang repleksyon ng kung ano ang ipinaglalaban at sinisimbolo ng dating pangulo.

Samantala, humihingi naman siya ng panalangin upang mabigyan ng medical clearance para makapunta sa Hollywood premiere ng pelikula. Ito ay matapos siyang maospital dahil sa anaphylactic reaction.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.