Anak ni Sen. de Lima tumanggap sa kanyang Prize for Freedom Award

By Chona Yu July 29, 2018 - 07:52 PM

Liberal International Twitter

Tinanggap ni Israel de Lima, anak ng nakakulong na si Senadora Leila de Lima ang Prize for Freedom Award na iginawad sa kanyang ina ng Liberal International sa Novotel Manila sa Quezon City.

Pinarangalan ng Liberal International ang senadora dahil sa kanyang patuloy na pagdepensa sa karapatang pantao.

Sa mensahe ni de Lima na binasa ng kanyang anak, sinabi nito na dahil sa kanyang patuloy na pagdepensa sa karapatang pantao, hamantong ito sa kanyang pagkakakulong sa Camp Crame.

Pero sa kabila ng pagkakulong, sinabi ni de Lima na pakiramdam niya ay blessed pa rin siya dahil sa paniniwalang ginawa niya ang tama.

Kasama ni Israel na tumanggap sa award ang mga kapartido ng senadora na sina Liberal Party president Senador Francis Pangilinan at LP chairperson at Vice President Leni Robredo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.