Occidental Mindoro at El Nido, Palawan isinailalim sa state of calamity

By Justinne Punsalang July 29, 2018 - 05:50 PM

MIMAROPA PIA/Leila B. Dagot

Idineklara ang state of calamity sa buong lalalwigan ng Occidental Mindoro dahil sa malawakang pagbahang naranasan sa 11 munisipalidad, kabilang na ang kabisera nitong Mamburao.

Ayon sa MIMAROPA PIA, nananatiling nakaagapay ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at mga Municipal Disaster Risk Reduction and Management Councils (MDRRMCs) sa mga nasalanta ng pagbaha.

Patuloy aniya ang pagsasagawa ng relief operations, maging rescue missions sa mga residenteng na-trap sa baha.

Samantala, maging ang El Nido sa Palawan ay kasalukuyan nasa ilalim ng state of calamity dahil din sa halos isang linggong walang patid na mabigat na pag-ulan na nagresulta sa mga pagbaha sa mga barangay.

Kabilang dito ang Barangay Aberawan, Bucana, Masagana, New Ibajay, at Villa Libertad.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.