Majority bloc sa Kamara, dumistansya sa agawan ng liderato sa minorya

By Chona Yu July 29, 2018 - 12:39 PM

Dumistansya ang majority bloc sa Kamara sa away ng hanay ng minorya kung sino sa kanila ang tatayong lider.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Deputy Speaker Rolando Andaya na dalawang grupo na ng minorya ang nagsumite ng sulat kay Speaker Gloria Macapagal-Arroyo para ipabatid ang balak nilang paglilipat ng bakod.

Kabilang na aniya rito ang Liberal Party (LP) sa pangunguna ni Congressman Miro Quimbo at ang grupo ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez.

Ayon kay Andaya, maari ring makipagkwalisyon ang Makabayan bloc sa LP dahil hindi naman nalalayo ang kanilang idelohiya.

Dagdag ni Andaya, bahala na ang minorya kung sino ang may sapat na numero at kung sino ang kanilang magiging lider.

TAGS: Deputy Speaker Rolando Andaya, LP, majority bloc, minority leadership, SGMA, Deputy Speaker Rolando Andaya, LP, majority bloc, minority leadership, SGMA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.