Nahuli na ang 11 preso na tumakas sa Bacoor City Custodial Center noong Biyernes.
Ayon kay Bacoor Police Chief Supt. Vicente Cabatingan, naaresto ang mga pugante sa Meycauayan, Bulacan at Cavite City.
Patuloy naman aniya ang pagtugis sa nalalabing 12 preso.
Dagdag pa nito, may ilang preso rin ang nagpapahiwatig na nais na ring sumuko.
Sa ngayon, sinabi ni Cabatingan na pansamantalang hindi tumatanggap ng dalaw sa mga preso sa naturang kulungan.
Inaabot na lang muna aniya ang mga pagkaing dala para sa mga preso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.