Sinentensyahan ng isang korte sa Egypt ang 75 katao ng parusang kamatayan bunsod ng papel ng mga ito sa kaguluhang sumiklab matapos mapatalsik si dating Egypt President Mohammed Morsi noong 2013.
Sumailalim sa isang mass trial ang mahigit 700 katao kabilang na ang lider ng isang Muslim Brotherhood.
Binatikos ng Amnesty International ang hindi umano patas na paglilitis na isa rin anilang paglabag sa Saligang Batas ng bansa.
Isasangguni na ang kanilang mga kaso sa Grand Mufti, ang highest Islamic official sa bansa.
Sa kabila nito, bagaman kinakailangan sa ilalim ng Egyptian law ang opinyon ng Grand Mufti, hindi pa rin tiyak kung mapapawalang bisa nga ang sentensya ng korte.
Noong August 2013 ay sumiklab ang kaguluhan nang mapatalsik si Morsi na nagresulta s apagkamatay ng daan-daang demonstrador at security personnel.
Inilunsad din ang crackdown laban sa mga taga-suporta ng dating pangulo at sa grupong kanyang kinabibilangan na idineklara pa ng bansa na isang ‘teroristang grupo’.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.