P440 Million halaga ng pinsala sa agrikultura ng mga bagyo

By Rohanisa Abbas July 28, 2018 - 06:43 PM

Inquirer file photo

Umabot sa mahigit P440 Million ang nasira sa agrikultura ng Pangasinan bunsod ng mga sunud-sunod na pag-ulan sa lugar.

Ayon sa Department of Agriculture, pinaka-grabeng nasalanta ang mga pananim na palay kung saan P420 Million ang nasira sa 29,000 ektarya.

Sa mga gulay naman, nasira ang P24.3 Million na halaga ng pananim.

Napinsala naman ang P3.61 Million ng livestocks o mga hayop, habang P230,000 naman ang halaga ng napinsala sa mga palaisdaan.

Kasunod nito ay sinabi ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol na naglalatag ng P180 Million ang kagawaran para sa rehabilitasyon ng mga binahang taniman sa Pangasinan.

TAGS: flood, pangasinan, pinol, rice, typhhon, flood, pangasinan, pinol, rice, typhhon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.