Mga Pinoy pinag-iingat sa Syria bunsod ng mga pag-atake ng IS

By Rhommel Balasbas July 28, 2018 - 05:39 AM

Nagpaabot ng pakikiramay ang Pilipinas sa Syria sa malagim na serye ng suicide attacks na kumitil sa buhay ng higit 200 katao.

Sa isang pahayag, sinabi ni Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano na nakikiramay ang Pilipinas sa pamilya ng mga nasawi bunsod ng mga pag-atake ng Islamic State.

Pinag-iingat naman ng DFA ang lahat ng mga Filipino sa nasabing bansa at hinimok na maging mapagmatyag sa kapaligiran.

Sinabi ni Cayetano na wala namang napaulat na Filipino na nasaktan sa serye ng mga pag-atake.

Nakikipag-ugnayan na rin ang embahada ng Pilipinas sa mga Pinay na may asawang Syrian.

Tiniyak ng kagawaran na handa itong tulungan ang nasa higit-kumulang 1,000 Filipino na nasa Syria na gustong bumalik ng bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.