Handa si Russian President Vladimir Putin na magtungo sa Washington, sabay kinumpirmang inimbitahan niya si United States of America President Donald Trump na dumalaw sa Moscow pero may “necessary conditions.”
Sa BRICs summit sa Johannesburg, sinabi ni Putin na handa siyang makipag-pulong kay Trump.
Ayon naman kay White House press secretary Sarah Sanders, bukas si Trump sa pagbisita sa Moscow, ngunit wala pa raw pormal na imbitasyon mula sa Russian counterpart.
Ang pahayag ni Putin ay kasunod ng imbitasyon ni Trump sa Russian President para sa magkaharap sila sa Washington ngayong taon, pero umurong ang U.S President at sinabing sa susunod na taon na mangyayari ang meeting.
Paliwanag ng White House, naniniwala raw kasi si Trump na makabubuting gawin ang bilateral meeting kay Putin kapag natapos na ang umano’y “Russia witch hunt.”
Samantala, pinuri ni Putin si Trump na aniya’y may “great virtue” para tuparin ang kanyang campaign promises.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.