PDEA official sa Visayas, patay sa ambush

By Len Montaño July 27, 2018 - 08:39 PM

Patay ang isang opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa Central Visayas (PDEA-7) matapos barilin ng hindi kilalang mga suspek na nakasakay sa motorsiklo, ilang metro lamang ang layo mula sa Cebu Provincial Capitol sa Cebu City.

Ayon sa report ng Fuente Police Station 2 ng Cebu City Police Office (CCPO), kinilala ang biktima na si Earl Rallos, PDEA-7 assistant chief of operations at isang dating mamamahayag sa Cebu.

Dead on the spot si Rallos dahil sa tinamong multiple gunshot wounds sa kanyang katawan.

Lumabas sa imbestigasyon na sakay ang PDEA official ng kanyang gray Toyota Altis nang pagbabarilin ng mga suspek ang sasakyan nito alas 5:10 Biyernes ng hapon.

Binabagtas ng sasakyan ni Rallos ang Villalon Street malapit sa May Flower Pension House na malapit sa compound ng kapitolyo.

Narekober ng pulisya sa crime scene ang 15 basyo ng hindi pa tukoy na armas.

Titingnan ng mga pulis ang CCTV sa lugar para sa posibleng pagkakilanlan ng mga suspek at iniimbestigahan na ang motibo sa pamamaril.

 

TAGS: Cebu City, PDEA, Cebu City, PDEA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.