NCMF, tiniyak ang maayos na pagtrato sa mga dadalo sa Hajj

By Erwin Aguilon July 27, 2018 - 07:49 PM

Tiniyak ni National Commission on Muslim Filipino Chairman Saidamen Pangarungan na matatrato ng maayos ang mga Filipinong Muslim na nagtutungo ngayon sa Saudi Arabia para sa taunang Hajj o pilgrimage.

Ayon sa bagong pinuno ng NCMF, ilang araw matapos siyang italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa puwesto ay kaagad siyang lumipad sa Saudi Arabia upang mag inspeksyon sa mga hotel doon na tutuluyan ng mga pilgrims.

Sinabi ni Pangarungan na pinuntahan niya ang mga hotel na tutuluyan ng pilgrims sa Madinah at Mecca.

Sinabihan aniya nito ang mga hotel operator na kapag hindi naging maayos ang accommodation sa pilgrims ay hindi muli kukunin ng NCMF.

Sa mga nakalipas aniyang mga panahon ay inirereklamo ng mga lumalahok sa Hajj ang kanilang mga tinutuluyan.

Ngayong taon, anim na libong Filipino pilgrims ang magtutungo sa Saudi para sa nasabing religious activity.

Noong nakalipas na linggo, umalis ang unang batch ng mga Pinoy patungong Saudi na may bilang na anim na raan kung saan pinangunahan ni Pangarungan ang send-off ceremony kasama ang Saudi Ambassador to the Philippines.

Magsisimula ang Hajj sa August 19 ng gabi na tatagal hanggang August 24 ng gabi.

Samantala, bilang bagong chairman ng NCMF, prayoridad ni Pangarungan na alisin ang kurapsyon lalo na sa taunang Hajj.

Si Pangarungan ay dating Undersecretary ng DILG at dating Gobernador ng Lanao del Sur noong panahon ni dating Pangulong Corazon Aquino.

WATCH:

TAGS: Hajj 2018, Hajj 2018

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.