WATCH: Paglagda ni Pangulong Duterte sa BOL, ikinatuwa ng National Commissionon on Muslim Filipinos 

By Erwin Aguilon July 27, 2018 - 09:52 PM

Welcome development para kay National Commission on Muslim Filipinos Chairman ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Bangsamoro Organic Law.

Ayon kay Pangarungan, malaki ang maitutulong ng BOL para sa kapayapaan sa Mindanao. Paliwanag nito, kung wala kapayapaan lalong kawawa ang Mindanao dahil walang investor ang papasok dito.

Paliwang ni Pangarungan, ayaw na nila ng giyera na ilang dekada ng nararanasan sa Southern Mindanao kaya kahit ano anyang peace agreement ay kanilang tatanggapin.

Bagama’t marami anya ang nagsasabi na kulang ang BOL pero ayon kay Pangarungan mas mabuti na ito kaysa wala.

Dapat din anyang pasalamatan si Pangulong Duterte dahil sa pagtutulak nito ng Bangsamoro Organic Law.

Matapos maantala ang paglagda ng pangulo noong Lunes sa BOL dahil sa kudeta sa kamara, kahapon nilagdaan na ito ni Pangulong Duterte.

Sa timetable ng pamahalaa, itatakda ang plebesito sa Nobyembre at kapag naaprubahan saka magtatalaga ng bubuo ng Bangsamoro Transition Authority.

TAGS: Bangsamoro Organic Law, Bangsamoro Organic Law

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.