Malakanyang, hindi makikialam sa warrant of arrest laban sa 4 na dating militanteng kongresista

By Isa Avendaño-Umali July 27, 2018 - 03:15 PM

Hindi makikisawsaw ang Malakanyang sa isyu ng pagpapa-aresto sa mga dating militanteng kongresista na sina Satur Ocampo, Rafael Mariano, Teddy Casiño at Liza Maza.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nirerespeto ng Malakanyang ang “independence” ng mga korte.

Aniya, ang kaso ng apat na lider ng Makabayan Bloc ay nasa Palayan City Regional Trial Court.

Sinabi ni Roque na hahayaan ng Palasyo na gumulong ang legal na proseso, at hindi sila manghihimasok dito.

Naglabas ng warrant of arrest ang nasabing korte laban kina Ocampo, Mariano, Casino at Maza dahil sa pagkakadawit ng mga ito sa pagdukot at pagpaslang sa mga kritiko ng Bayan Muna noong administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2004.

 

TAGS: Makabayan bloc, Malacañang, Makabayan bloc, Malacañang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.