Miyembro ng Maute nasawi sa Lanao del Sur

By Len Montaño July 26, 2018 - 11:16 PM

Napatay ang isang hinihinalang miyembro ng Maute-ISIS group sa operasyon ng militar sa Masiu, Lanaol del Sur.

Ayon sa 1st Infantry Division ng Philippine Army, nagsagawa ng operasyon ang tropa ng 49th Infantry Battalion kasunod ng tip ng mga sibilyan sa militar.

Sinalakay ng mga sundalo ang kuta nina Panarigan Tama Baoraki, alyas Gonden Boy at Hadhi Rasul Amimbering, sinasabing mga lider ng Maute-ISIS group na nag-ooperate sa Lanao del Sur.

Pinaputukan ang tropa ng gobyerno habang papalapit sa lugar kaya nagkaroon ng enkuwentro na ikinasawi ng isang Zainal Candidato.

Nakarekober ang mga sundalo ng mga armas, droga at drug paraphernalia sa kuta.

Ayon kay Major General Roseller Murillo, commander ng Joint Task Force Zampelan, walang casualties sa panig ng militar at pinuri nito ang mga residente na nag-alerto sa kanila ng presensya ng mga terorista sa lugar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.