Pagtalakay sa 2019 proposed natl budget hindi pa alam kung kailan mauumpisahan
Nananatili pa rin sa tanggapan ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez ang kopya ng panukalang P3.757 trillion na budget sa susunod na taon.
Ayon kay House Appropriations Committee Chairman Karlo Alexie Nograles, kailangan pang magkaroon ng seremonya kung saan pormal na ipiprisenta ng Department of Budget and Management ang pajukalang budet sa mga lider ng kamara.
Sinabi ni Nograles na dahil sa nangyaring kudeta sa kamara hindi pa malaman kung kailan ito maisasakatuparan.
Hindi pa rin anya siya makatiyak kung matutuloy ang target na pagsisimula ng budget hearing sa buwan ng Agosto.
Noon pang nakaraang buwan ay naglatag na si Nograles ng hearing schedule para sa 2019 budget kung saan target itong matapos sa buwan ng Setyembre upang magkaroon ng sapat na panahon para mapagdebatehan ito sa plenaryo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.