Legislative agenda ni House Speaker GMA, inilatag na sa mga kaalyadong kongresista
Inilatag na ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa pro-GMA congressmen ang kaniyang mga prayoridad.
Sinabi ni Arroyo na sa kanilang salu-salo noong Miyerkules inilatag na niya sa kaniyang mga kaalyadong kongresista na kabilang sa kanilang tututukan ang Coconut Farmers Fund, ang National Land Use Act at ang Department of Disaster Management.
Ipinag-utos naman ni Arroyo na bilisan ang pag-apruba sa panukalang Department of Disaster Management Bill na nasa technical working group pa.
Samantala, nilinaw naman ng house speaker na mananatiling prayoridad nila ang Charter Change pero sa ngayon ay nasa senado ang bola.
Wala namang marching order si Arroyo sa mga kongresista para tapatan ang kanyang work ethics.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.