Bello nahaharap sa panibagong kaso ng katiwalian

By Angellic Jordan July 25, 2018 - 05:01 PM

Inquirer file photo

Nahaharap sa panibagong reklamo ng kurapsyon si Labor Secretary Silvestre Bello III matapos umanong tumanggap ito ng mga regalo at maghingi ng suhol.

Ayon kay Amanda Araneta, may ari ng isang recruitment agency, bibigyan niya ng P100,000 cash si Bello bilang regalo.

Humingi naman anya ng P10 Million ang Cabinet official para aprubahan ang lisensya ng kanyang recruiment agency.

Ang alegasyon ni Araneta ay kasunod ng hiling ng mga labor groups kay Bello na magresign na dahil sa pagkasangot nito sa planong extortion laban sa mga employment agencies at ang hindi pagtulong sa isang Filipina migrant worker na nahiwalay sa kanyang anak sa Saudi Arabia.

Itinanggi naman ni Bello ang akusasyon at hinamon si Araneta na magsampa ito ng kaso laban sa kanya kung kaya nitong patunayan ang mga nasabing alegasyon.

Sinabi ni Bello na ang mga akusasyon ay ginamit upang sirain ang kanyang application sa Office of the Ombudsman o ginagawa ng mga gustong pumalit sa kanya sa pwesto bilang Labor Chief.

Magugunitang sinabi ng pangulo na wala siyang sasantuhin sa hanay ng kanyang mga miyembro ng gabinete at tiyak na masisibak ang mga ito kapag nasangkot sa katiwalian.

TAGS: Araneta, Bello, DOLE, duterte, recruitment agency, Araneta, Bello, DOLE, duterte, recruitment agency

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.