Grab Philippines humirit sa LTFRB ng mas mahal na pamasahe

By Isa Avendaño-Umali July 25, 2018 - 03:56 PM

Humirit ang Grab Philippines sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na maitaas ang kanilang sinisingil sa pamasahe.

Sa petition for increase of fare ng Grab PH na inihain sa LTFRB, nais ng naturang transport newtwork company na magdagdag ng dalawang piso (P2.00) na per minute charge sa pamasahe.

Bukod dito, gusto rin ng Grab PH na maitaas sa P60.00 ang base fare mula sa ipinatutupad na P40.00.

Pero nilinaw ni LTFRB Chairman Martin Delgra, hindi pa sigurado kung mapagbibigyan ang hirit ng Grab PH.

Ang bagong petisyon ng Grab PH sa LTFRB ay kasabay ng apela ng naturang TNC sa ahensya na baligtarin ang kautusang magbayad ng P10 million multa dahil sa pagpapataw ng P2.00 per minute charge.

Giit ng LTFRB, ilegal ang nasabing paniningil na iyon ng Grab PH.

Nauna dito ay inulan ng reklamo ang LTFRB dahil sa mataas na singil at ilang aroganteng driver ng Grab PH.

TAGS: base fare, fare increase, Grab, ltfrb, base fare, fare increase, Grab, ltfrb

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.