Retiradong sundalo patay sa pamamaril sa Negros Oriental

By Justinne Punsalang July 25, 2018 - 02:33 AM

Nasawi sa kamay ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang isang retiradong sundalo sa Barangay Bulado, Guihulngan City, sa Negros Oriental.

Kinilala ang biktima na si Larry de Garcia, 53 taong gulang at dating master sergeant ng 3rd Military Intelligence Battalion ng Philippine Army.

Ayon kay Guihulngan Police chief, Superintendent Mario Baquiran, multiple gunshot wounds, kabilang ang tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ni de Garcia.

Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo at pauwi na sana sa kanyang bahay nang pagbabarilin ito ng dalawang salarin, na mayroon pang ilang mga kasamahan.

Sinasabing bago tumakas mula sa pinangyarihan ng insidente ay sumigaw pa umano ang mga ito ng “Mabuhay ang NPA.”

Bagaman patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad, sinabi ni Baquiran na hindi nila isinasantabi ang posibilidad na may kaugnayan ang pagiging dating sundali ni de Garcia sa pamamaslang.

Aniya, simula noong nakaraang buwan ay nakakatanggap na ng banta sa kanyang buhay ang biktima.

Samantala, narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang isang kalibre 45 baril at 10 basyo ng 9mm na bala.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.