Soccer team na na-trap sa loob ng kweba sa Thailand oordinahan bilang buddhist novice
Ngayong araw nakatakdang ordinahan bilang buddhist novice ang 11 miyembro ng soccer team na na-trap sa loob ng isang kweba sa Thailand.
Kahapon, araw ng Martes, ay sinimulan na ang Buddhist ceremony kung saan kasama ang kanilang coach ay nagdasal ang mga ito sa mga Buddhist relics at nag-alay ng pagkain at inumin.
Ayon kay Chiang Rai province Governor Parchon Pratsakul, ang soccer coach ay oordinahan naman upang maging isang monghe.
Matatandaang 12 ang miyembro ng soccer team, ngunit 11 ang oordinahan bilang Buddhist novice dahil hindi Buddhist ang ika-12 miyembro.
Magaganap ang ordainment ceremony sa isang templo sa tuktok ng isang bundok sa Chiang Rai. At matapos ang seremonya ay isang linggong maninirahan ang mga ito sa Wat Pha That Doi Wao temple upang pag-aralan ang mga turo ni Buddha.
Ayon kay Praphun Khomjoi, hepe ng Chiang Rai Buddhism office, iaalay ng mga oordinahang soccer team ang kanilang pagpasok sa pagkamonghe para kay Samarn Gunan na isang Thai navy SEAL na nasawi sa kasagsagan ng rescue mission sa mga ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.