Residential area sa Jolo, Sulu tinupok ng malaking apoy
(UPDATED AS OF 2:45AM) Nasa dalawang libong kabahayan ang tinupok ng apoy na sumiklab sa boundary ng Barangay Busbus at Barangay Walled City sa Jolo, Sulu.
Ayon sa Jolo Mayor Kerkhar Tan, alas-3 ng hapon nang magsimula ang pagliliyab na umabot sa ikalimang alarma.
Sinasabing nagmula ang sunog sa likod ng Dennis Coffee Shop sa Barangay Walled City. Pawang gawa sa light materials ang mga bahay sa lugar, dahilan upang agad na kumalat ang apoy.
Nahirapan din ang mga bumberong apulahin ang sunog dahil sa makikitid na daanan sa nasabing barangay.
Sa ngayon ay naapula na ang sunog, nguit patuloy pang inaalam ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sanhi nito.
Hindi pa rin batid kung magkano ang pinsalang tinamo ng dalawang barangay dahil sa pagliliyab.
Sa paunang impormasyon, apat na ang isinugod sa ospital matapos magtamo ng sugat dahil sa sunog.
Tinatayang nasa 1,000 pamilya ang walang matirhan ngayon dahil sa sunog.
Samantala, isa pang sunog ang sumiklab sa kalapit lamang na Barangay Lambayog.
Sa video na kuha ni Sanz Tulawie ay kitang-kita ang malaking apoy at makapal na usok na nagmumula sa mga nasusunog na establishment.
Watch:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.