Bong Revilla hindi pinayagan ng Supreme Court na makapag-piyansa
Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyong makapag-piyansa ni dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr.
Nauna nang naghain ng motion for bail si Revilla, na nahaharap sa P224.5 million plunder case sa Sandiganbayan kaugnay sa pork barrel scam.
Pinagtibay ng Supreme Court ang naunang pag-iisyu ng Sandiganbayan ng preliminary attachment ukol sa umano’y mga pera at ari-arian ni Revilla.
Kasama rin maging ang alias writ of preliminary attachment sa mga ari-arian na nasa ilalim ng mga alyas ng dating senador at misis nitong si Bacoor City, Cavite Mayor Lani Mercado-Revilla.
Naghain noon si Revilla ng motion for bail sa Korte Suprema, makaraang payagan si dating Senador Juan Ponce Enrile na may PDAF case din pero pinayagang makapagpiyansa.
Samantala, pinagtibay din ng mataas na hukuman ang pagbasura nito sa bail plea ni pork barrel scam queen Janet Lim Napoles, at Richard Cambe, dating tauhan ni Revilla.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.