Bigtime rollback sa produktong petrolyo epektibo na

By Rhommel Balasbas July 24, 2018 - 08:14 AM

Epektibo na ang tapyas sa presyo ng mga produktong petrolyo ng mga kumpanya ng langis.

Ilan sa mga kumpanya ay nagpatupad na ng bawas sa presyo kahapon, araw ng Lunes habang ang iba ay nagpatupad kaninang hating-gabi at ngayong umaga.

Natapyasan ang presyo ng kada litro ng gasolina ng P0.70, samantalang P1 sa kada litro ng diesel at P1.25 naman ang bawas sa kada litro ng kerosene o gaas.

Unang nagpatupad ang Petro Gazz, alas-6 ng Lunes, sinundan ng Eastern Petroleum, ganap na alas-12 ng tanghali at Unioil, alas-2 ng hapon.

Ang Seaoil naman ay eksakto alas-12:01 nagpatupad ng rollback habang ang Shell, Caltex, Phoenix Petroleum, PTT Philippines, Flying V, Jetti Petroleum, Total at Petron kaninang alas-6 ng umaga.

TAGS: diesel, gasonlina, kerosene, produktong petrolyo, rollback, diesel, gasonlina, kerosene, produktong petrolyo, rollback

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.