48 oras, hiningi ni Pangulong Duterte para sa paglagda sa BOL

By Rod Lagusad July 24, 2018 - 04:02 AM

Inquirer photo – RTVM video

Humingi ng 48 oras si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang paglagda sa Bangsamoro Organic Law (BOL).

Ito ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City.

Aniya sa kabila ng pagtutol ng ibat ibang sectoral groups sa BOL ay siya ay committed na pagbibigay sa mga kapatid na Muslim ng mga ‘legal tools’ na kailangan sa paglatag ng kanilang sariling patutunguhan sa ilalim ng constitutional framework ng ating bansa.

Una dito ay naratipkahan na ng Senado ang bicameral version ng BOL habang ang Kamara ay bigong magawa ito.

Ayon sa pangulo kapag dumating na sa kanyang opisina ang aprubadong bersiyon ay kakailangan niya ng 48 oras para lagdaan ito at maratipikahan.

Dagdag pa ng pangulo ay babasahin niya ito baka daw aniya ay may isinigit ito na hindi maganda ang dulot.

TAGS: BOL, SONA, BOL, SONA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.