Mga isinagawang pagkilos kaugnay ng SONA, ‘very peaceful’ ayon sa NCRPO

By Rod Lagusad July 24, 2018 - 04:01 AM

Kuha ni Jong Manlapaz

Maituturing na ‘very peaceful’ ang mga isinagawang pagkilos laban man o pabor sa ikatlong State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay National Capital Region Police Office Director Chief Superintendent Guillermo Eleazar, walang naitalang ‘petty crime’ o anumang ‘untoward incident’ sa mga parehong rally.

Aniya ito ay dahil na rin sa pinagsamang pagsisikap ng nasa mahigit na 7,400 na mga pulis at sundalo, 1,000 tauhan mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), 500 public order safety officers na mula naman sa lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Quezon at iba pang mga stakeholders na idineploy para masiguro ang seguridad ng SONA.

Base naman sa pinal na bilang ng mga nagkilos-protesta laban sa administrasyon ni Duterte na nagtipun-tipon sa harap ng St. Peter Parish sa Commonwealth Ave. ay aabotsa 12,000 katao habang sa panig ng mga nagpakita ng suporta sa pangulo na nasa IBP Road ay aabot sa nasa 10,000 katao.

Una ng tinaya na nasa 15,000 katao ang kabilang sa mga anti at nasa 9,000 katao ang nakibahagi sa ginawang pagkilos ng mga pro.

TAGS: NCRPO, SONA, NCRPO, SONA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.