Mga nakilahok sa kilos protesta sa Comm Ave. vs Duterte admin, umabot ng 15,000 katao

By Rohanisa Abbas July 23, 2018 - 07:01 PM

Kuha ni Jong Manlapaz

Mas marami ang nakiisa sa kilos-protesta laban sa Administrasyong Duterte sa Commonwealth Avenue sa Quezon City ayon kay National Capital Region Police Office Director Chief Superintendent Guillermo Eleazar.

Ipinahayag ni Eleazar na sa kanilang inisyal na pagtaya, umabot sa 15,000 ang mga rallyista kontra Duterte, habang umabot naman sa 9,000 ang mga tagasuporta ng Pangulo.

Pumwesto ang mga tagaprotesta kontra Duterte sa bahagi ng St. Peter Parish sa Commonwealth Avenue, habang ang mga tagasuporta ng Pangulo ay nag-rally sa bahagi ng IBP Road malapit sa Batasang Pambansa.

Sinabi ni Eleazar na naging maayos ang mga kilos-protesta sa ikatlong SONA ng Pangulo dahil na rin sa pakikipag-ugnayan ng mga lider ng militanteng grupo at ng mga pulisya.

TAGS: commonwealth avenue, Guillermo Eleazar, commonwealth avenue, Guillermo Eleazar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.