Tanggapan ng NHA nilusob ng Kadamay
Kinalampag ng mga miyembro ng grupong Kadamay ang tanggapan ng National Housing Authority o NHA sa bahagi ng Elliptical Road sa Quezon City.
Gamit ang black spray paint, nagsulat ng mga katagang “Abot-kaya, disente, at pang-masang pabahay”, at “Ipaglaban, ang ilang miyembro ng Kadamay” na tumutukoy sa kanilang hiling na pabahay.
Sa kanilang maiksing programa sa NHA, inakusahan ng grupo ang ilang ahensya ng gobyerno na gumagamit umano sa mga grupo tulad ng Kadamay sa pagtatayo ng mga housing units na kalaunan ay hindi naman nagagamit.
Kamakailan ay inakusahan ng grupo si Pangulong Rodrigo Duterte ng paglambot ng paninindigan nito sa kaugnay ng pang aangkin ng China sa mga isla sa West Philippine Sea na salungat umano sa utos nito kaugnay ng pag pigil sakanila na manirahan sa mga bakanteng housing units.
Dagdag pa ng grupo, ang hindi pagdadalawang isip ng Pangulo sa pag gamit ng dahas sa kanila ay salungkat din sa hind nito pag gamit ng pwersa sa pakikipagnegosasyon sa China.
Samantala, naglabas naman ng guidelines ang NHA kaugnay ng pag gawad ng 7,000 bakanteng housing units sa mga eligible applicants.
Ang 1,980 sa mga nasabing units ay maaring magamit ng mga miyembro ng Kadamay sa Pandi, Bulacan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.